Ang mga Paborito at Sikat na Pinoy YouTube Sensations

Contributor: Pael Balbaboco

PINOY, IYO ANG YOUTUBE!

Noon, ang YouTube ay isang simpleng video streaming site na naglalaman ng mga interesting videos ng mga kung sinu-sinong tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Pero ngayon, sa isang kisapmata, tila ba naging balwarte nating mga Pilipino ang YouTube para ipakita sa buong mundo ang ating mga natatagong talento, mapa-comedy man, o pagkanta, o kahit ano
na lang.

Narito ang ilan sa sandamakmak na Pinoy YouTube sensations na talaga namang nagpakita sa lahat na iba ang galing ng Pinoy sa kahit anong larangan, kahit sa larangan pa man yan ng pagvi-video ng sarili at paggawa ng panibagong uri ng entertainment. Ang mga YouTube sensations na ito ay talaga namang naging viral hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo.

***

Unahin natin ang mga Pinoy na nanguna sa kantahan at hindi lang naaabot ang mga matataas na nota sa kanta, ngunit pati na rin ang matataas na views sa YouTube.

Unang nadiskubre si Charice sa isang singing talent search sa ABS-CBN, ngunit kahit hindi siya ang nag-uwi ng unang parangal sa nasabing contest, maraming pinto ng oportunidad pa rin ang nagbukas para sa talented singing sensation ng mundo.

Sa isang video kung saan nag-guest si Charice sa isang Korean variety show nagsimula ang lahat.

Dahil sa mahusay at mapanindig-balahibong version niya ng isang Celine Dion song, nabano ang mga hosts ng show at naging viral ang video sa YouTube at mga blogs, hanggang sa nakaabot ito sa paningin nina Oprah, Ellen, at ilan pang mga American TV shows.

Dahil dito, sunud-sunod ang dumating na swerte sa singer. Nagkaroon siya ng album released internationally, naka-duet niya ang mga magagaling na singers sa mundo, nakasama siya sa David Letterman concert series, nagkaroon siya ng maliit na role sa pelikulang Alvin and the Chipmunks, naging guest star siya sa top-rating American TV series na Glee, at maraming-marami pang iba. At higit sa lahat
ng yan, naging ninang lang naman niya si Oprah.

Nakilala nating lahat si Maria Aragon ngayong taon lang dahil sa kanyang viral version ng kantang Born This Way ni Lady Gaga. Ang 11-year-old singing sensation na lumaki sa Manitoba, Canada ay napabilib ang lahat dahil sa kanyang matapang na pag-awit ng isang kantang may malakas at matibay na mensahe ukol sa pagiging homosexual at pagtanggap sa sarili.

Unang napanood ni Lady Gaga ang nasabing video ni Maria nang tinweet ni Perez Hilton, isang entertainment blogger, ang video link nito sa pop superstar. Nag-react naman si Lady Gaga na tila proud na proud kay Maria at doon na nag-umpisa ang lahat. Ilang araw lang ang lumipas, nag-guest na kaagad si Maria Aragon sa isang radio program sa America kung saan nakausap at naka-duet niya live on air si Lady Gaga.

Dahil dito, napasama si Maria Aragon sa isa sa mga concert series ni Lady Gaga kung saan nag-duet sila ng Born This Way. Sa isang concert sa America, hindi napigilan ni Lady Gaga ang umiyak dahil sa talento ni Maria, at tinawag niya itong Lady Maria, sunod na rin sa kanyang pangalan. Ngayon, isang recording artist na si Maria Aragon sa Pilipinas at siya ang umawit ng “Da Best ang Pasko ng Pilipino”,
ang Christmas station ID song ng ABS-CBN para sa taong 2011.

Ang Rin on the Rox ang isa sa mga sumikat na Pinoy singing duo noong 2009 sa YouTube. Sina Roxanne Ilano at Erin Perry ay mag-bestfriends mula pa noong high school at choir buddies sa simbahan. Si Erin ay Filipino at si Roxanne naman ay Fil-Am.

Unang ipinalabas ang kanilang YouTube video sa The Ellen DeGeneres Show kung saan binansagan sila ni Ellen bilang mga magagaling na singers sa banyo. Pero syempre joke lang niya yun. Ang totoo, halos lahat ng mga videos ng Rin on the Rox ay sa kanilang banyo kinunan na nagdagdag ng effect sa maganda na nilang boses.

Ilan sa mga hit versions ng singing duo na ito ay mga pop songs tulad ng I Hate This Part (Right Here), You Belong with Me, Energy, Battlefield, at If I Were a Boy. Presently, official recording artists na ang dalawa at nag-lie low na sa YouTube upang mag-focus sa kanilang commercial singing careers. Ang kanilang cover video ng “Us Against the World” ay tumabo ng mahigit 200,000 views sa loob lamang ng
dalawang araw.

Si Gabe Bondoc ay nakilala sa YouTube sa kanyang mga OTS o one take sessions. Bilang isang full-blooded at “proud Filipino”, mas pinili ni Gabe na gamiting medium ang YouTube para ipakita sa mundo
ang kanyang natatanging talento sa musika.

Ilan sa mga sumikat na covers ni Gabe ay ang mga kanta ng Disney movies tulad ng A Whole New World, Part of Your World, The Circle of Life, at ilang pop songs tulad ng Somebody to Love, Half oy
My Heart, Man in the Mirror, Love Story, Fallin’ for You, at marami pang iba.

Tatak ni Gabe sa kanyang mga videos ang ang pagbati muna ng “Allo!” (Hello!) sa kanyang mga viewers at ilang segundo ng dedication para sa kanyang mga fans. Kinagigiliwan din ng mga viewers ang kanyang mga weird-looking microphones at mic filters, mga statement at character shirts, at ang kanyang makapal na buhok at messy facial hair.

***

Hindi lang sa pagkanta kilala ang mga Pilipino sa YouTube. Kilala rin ang ilan sa ating mga kababayan sa YouTube dahil sa kanilang mga nakakatawa at nakakatuwang video tutorials at video blogs sa talaga namang naging viral sa maraming mga blogs at web forums. Narito ang ilan sa mga funny Filipinos ng YouTube.

Kilala niyo ba kung sino ang lalaki sa mga commercials ng Chicharon ni Mang Juan? Siya ay si Mikey Bustos, isang Pinoy YouTube sensation ngayong 2011 na nakilala dahil sa kanyang video tutorial kung paano matutunan ang Filipino English accent.

Bukod sa mga YouTube videos niya, mas naunang nakilala si Mikey (Michael John Tumanguil Pestano Bustos) bilang finalist sa season one ng Canadian Idol. At ayon sa Chart magazine, isang sikat na music magazine sa Canada, “If we were to lay our bets today, ChartAttack’s money would be on Toronto contestant Mikey Bustos, a slightly strange looking young man with a shaved head and the voice of an angel.” Kilala din siya sa nasabing talent search dahil sa kanyang “shaved head” at “signature blue contact lenses.”

Mas nakilala pa si Mikey dahil sa kanyang mga video tutorials tungkol sa kulturang Pilipino katulad ng pagkain ng balut, Filipino dining, panliligaw ng mga Pinoy, Filipino CR ethics at marami pang iba. Naging endorser na rin siya ng Samsung at Nescafe gamit ang mga videos na ito. Dahil dito, naibalita na rin sa TV Patrol, Bandila, 24 Oras at Saksi ang kanyang mga viral videos.

Mas kilala bilang HappySlip, si Christine Gambito ay isang American Internet personality, actress, at comedian. Isa ang kanyang video channel sa may mga pinakamaraming subscribers sa YouTube. Noong 2008 ay ginawaran siya ng Department of Tourism ng Pilipinas bilang ambassador for Philippine tourism.

Kilala si HappySlip sa paggamit ng maraming characters sa lahat ng kanyang mga videos na siya lang mag-isa ang gumaganap. Ilan sa mga tumatak na character sa kanyang mga videos ay sina Dad – ang tatay ni Christine na laging kumakain ng chicharon sa kanyang mga videos; Mom – ang nanay ni Christine na kilala sa kanyang mga nakakatuwang tradisyon at paniniwala; Auntie Babie Cruz – ang tita ni Christine na kilala sa kanyang mga nakakatawang ngunit snobbish remarks; Minnie Cruz – pinsan ni Christine na likas na mahiyain at laging ipinapahiya ng kanyang ina; Lola – lola ni Christine na kilala sa kanyang pagiging ulyanin; at si Teenie – isang parody character ng isang American teenager na kilala sa kanyang pagiging madaldal at mapagmataas sa sarili.

Mayroon ding ilan pang characters na si Christine din ang gumaganap na malimit lumabas sa kanyang mga video blogs tulad nina Sheila & Sally Smoot – kilala bilang mga hosts ng “Plop & Shop!” at sina Claire & Audrey – ang kambal na magkaribal sa mga soap opera video series sa HappySlip YouTube channel.

Si Petra Mahalimuyak (ashleyslips), o Ashley Rivera sa tunay na buhay, ay isang American-based Filipina na sumikat sa YouTube dahil sa kanyang mga nakakatawang video tutorials tungkol sa iba’t ibang bagay katulad ng pagme-make up, paano maging isang drama actress, horror actress, beauty queen, dougie tutorial, at marami pang iba.

Nakuha ni Ashley ang attention ng marami nang pagkamalan siya bilang si Mara Montes dahil sa kanilang hindi maitatagong pagkakahawig. Mas umingay pa si Petra nang may ilang bloggers ang umalma sa kanyang mga videos na nagsasabing ginagawa daw niyang katatawanan ang English accent nating mga Pilipino.

Ngunit ayon naman kay Ashley, ito ay form lamang ng entertainment at hindi niya kailanman gagawing katawa-tawa ang mga Pilipino dahil siya rin ay proud na maging Pinoy.

Ilan pa sa mga Pinoy na sumikat sa YouTube ay sina Lady Gagita, isang gay impersonator na tubong Visayas na nakilala sa YouTube dahil sa kanyang panggagaya kay Lady Gaga. Nandyan din si Bekimon o Bern Persia sa tunay na buhay, na nakilala dahil sa kanyang mga funny video blogs ukol sa pagiging bading at sa pagpapalaganap ng “bekimon” language. At syempre, hindi mawawala sa listahan ang Cebu Dancing Inmates na sumikat sa YouTube dahil sa kanilang dance video ng “Thriller” ni Michael Jackson.

Talaga namang kahit sa anong larangan ay hindi natin maitatanggi na tayong mga Pilipino ay may dugong talentado. Hindi tayo nagpapatalo kung entertainment lang din naman ang pag-uusapan dahil lagi tayong merong bagong maihahain para sa buong mundo.

Comments

2 Responses to “Ang mga Paborito at Sikat na Pinoy YouTube Sensations”
  1. bobakah says:

    jamich ang pinakasikat ngayon..trending worlwide..di mo cla kilala?kung aq tatanungin mo,isa lng kilalakoh sa mga picz jan..c Maria Aragon..ahahaha..

  2. Sonetta says:

    hindi naman siya youtube phenomenon pero na-diskubre din siya sa youtube….si Arnel Pineda ang lead singer ngayon ng bandang Journey……..

    the biggest Filipino musicians discovered thru youtube who have attained international recognition: Charice, Arnel, and Maria Aragon……sino pa kaya ang susunod?

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

Page optimized by WP Minify WordPress Plugin